embed embed2
Sa Ika-6 Buwan Ng Pagbubuntis, Tumutubo Na Ang Pilik-Mata Ni Baby
PHOTO BY Unsplash
  • Kasabay ng mga sintomas ng 6 buwan na buntis ay ang biglang paglaki ng iyong tiyan. Kaya sa puntong ito ng 26 weeks, hindi ka na tatanungin kung tumaba ka (isang hindi kanais-nais na ugaling Pinoy) dahil kapansin-pansin na ang iyong pagdadalang-tao. Damang-dama mo na rin ang bigat ng dinadala sa sinapupunan mo.

    Huwag mabahala kung patuloy ang pagdagdag ng iyong timbang kahit sinusubukan mong maging maingat sa pagkain. Sakto lang ang karagdagang 25 hanggang 35 pounds kung normal ang Body Mass Index (BMI) mo bago ka mabuntis

    Dagdag dito ang pagusli ng iyong pusod (protruding belly button). Walang dapat ikatakot dahil resulta lang iyan ng paglaki ng uterus at pagtulak sa tiyan. Babalik naman sa dating puwesto at itsura pagkatapos mong manganak.

    What other parents are reading

    Sintomas ng 6 na buwan na buntis   

    Pero dahil adjusting ka pa sa biglang paglaki at pagbigat, maaaring madali kang mapagod habang nagiging clumsy at uncoordinated. Nagbabago na rin kasi ang iyong center of gravity at naaapektuhan nito ang iyong sense of balance. Mabuti siguro na maghinay-hinay muna sa mga gawaing tulad ng walking exercise at pakiramdaman ang sarili hanggang tuluyang masanay ang katawan sa pagkakaroon ng baby bump.

    Samantala, may iba pang sintomas ng 6 buwan na buntis na karaniwang nararanasan patungo sa pagiging ganap na ina.

    Pananakit ng ulo

    Marahil dala ng pababagong bugso ng hormones, nagiging malimit ang pagsakit ng ulo ng buntis. Problema ito lalo na kung noon pa man ay madali nang sumakit ang ulo mo. Subukan ang meditation para kumalma at gumihawa ang pakiramdam.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagtaas ng blood pressure

    Kumikilos ang katawan hindi na lang para sa iyo bagkus pati na rin sa iyong sanggol, kaya kailangan damihan, halimbawa, ang blood production. Dahil dito, tumataas bahagya ang iyong blood pressure. Pero kung umabot na ito sa 140/90, ipagbigay-alam na sa iyong doktor. Maaaring sensyales na iyon ng pregnancy complications tulad ng preeclampsia at hypertension. (Basahin dito ang kuwento ng isang bagong ina.)

    What other parents are reading


    “Momnesia”

    Bagamat maraming ina ang nagsasabing naging malilimutin sila habang buntis, hindi tinuturing na medical condition ang momnesia, mom brain, pregnancy brain, o baby brain. Hindi pa rin scientifically proven ang mga ito. Malamang nangyayari din ito sa iyo dahil madalas kang pagod at maraming iniisip.

    Ilan sa mga solusyon dito ang paggawa ng to-do list at reminders, pati na ang paglalagay sa isang lugar lamang ang mga bagay na madalas gamitin — keys, eyeglasses, cellphone, at iba pa. Makakatulong din ang pag-iwas sa multitasking at tumutok na lang muna sa isang gawain hanggang matapos ito bago simulan ang iba pa.

    Hirap sa pagtulog

    Talaga namang hindi madaling makamit ang mahimbing na tulog kung may iniindang pananakit hindi lamang ng ulo ngunit buong katawan pa. Kaya naman nagkaroon ng tinatawag na pregnancy insomnia, at magiging malala pa ito habang papalapit ang due date. 

    May ilang paraan para dalawin ng antok at kaagad makatulog. Kabilang dito ang light exercise na gawin habang may araw, pag-iwas sa caffeinated drinks sa hapon, at paglimita sa iinuming tubig kapag gabi bago humiga sa kama. 

    Pamumulikat ng mga binti

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Isa pang rason kung bakit hirap makatulog sa gabi ang pagmumulikat ng mga binti (leg cramps), kung kailan ito kadalasang umaatake. Nangyayari ito dahil nababanat ang uterus, kaya nakakaramdam ka ng paghila pababa sa lower abdomen at bandang likuran. Makakatulong ang pagbalanse ng bigat sa pagitan ng mga binti, pag-inat-inat bilang stretching, pagtaas ng mga paa habang nakahiga, at paggawa ng foot at ankle exercises.

    What other parents are reading

    Paglaki ni baby sa tiyan

    Samantala, patuloy naman ang development ni baby sa iyong sinapupunan. Aba, naimumulat na niya ang kanyang mga mata at may tumutubo doon na mga pilik-mata! Ang susunod niyang matututunang gawin ay kumurap-kurap. 

    Marunong na rin si baby ng inhale at exhale. Parte ng pagkakaroon ng malusog na mga baga ang paghinga at paglunok ng kaunting amniotic fluid simula sa week 26. Malaking tulong ito para sa totoong paghinga kapag naipanganak na siya. 

    Habang hinihintay ang paglabas ni baby at iniinda ang mga sintomas ng 6 buwan na buntis, mainam na umpisahan na ang paggawa ng birth plan. Halimbawa, pinili nila Max Collins at Coleen Garcia ang home birth para makapiling ang kani-kanilang mga asawa sa panganganak.

    Malaking konsiderasyon ang mga pagbabago sa patakaran ng ospital bilang pagsunod sa health at safety protocols bunsod ng pag-iingat laban sa COVID-19.

    Panoorin dito ang webinars namin pagdating sa pagbubuntis at panganganak ngayon. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close