-
#SPConfessions: Hiwalay Na Hindi? Ayaw Umalis Ni Mister Sa Bahay Namin
"Hindi ko na kaya na magsama kami kasi alam ko sila pa rin ng kabit niya na workmate niya."by Jazer Basan . Published Jan 14, 2022
- Shares
- Comments

Ang mga kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village at Parent Chat. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.
Relate ako kay LJ Reyes.
I am a mother of 3. Nabasa ko po 'yong article sa Smart Parenting about LJ Reyes. Relate po ako sa kanya kaso ang sa akin, ayaw umalis ng husband ko sa bahay. Hindi ko na kaya na mag sama kami kasi alam ko sila pa rin ng kabit niya na workmate niya at araw araw na nakakasama.
Ang gusto niyang mangyari ay i-accept ko nalang daw na may iba siya pero hindi parin sya aalis ng bahay kasi hindi niya kaya ang malayo sa mga bata.
Pero ramdam ko po wala na syang love.
I would confront him pero wala syang kibo kaya ngayon, iba na rin feelings ko sa kanya. Gusto ko na rin mag hiwalay kami. Pagod na kasi ako.
- Mrs. Unhappy
He's a good father, but not a good partner.
My OFW partner and I have been together for almost 7 years. Two weeks palang after I gave birth nakikipahihiwalay na siya sa akin with a message "Ang responsibilidad natin para sa bata nalang, tayo sa isa't isa wala na."
Nung bumalik sya, nagsama parin kami sa bahay kasi para sa akin kailangan ng anak ko ng "buong pamilya" at mahal ko sya pero sa kanya nanay lang ako ng anak nya.
Okay naman kami magkasama sa bahay, binuhay nya kaming mag ina, hindi kami ginutom o pinabayaan. He's actually a good father, but not a good partner. Naging maayos ang pagsasama namin, not the typical type ng magpartner o mag asawa. Casual kami sa isa't isa.
Tiniis ko lahat ng sakit. Nagbuhay binata sya, ginagawa nya lahat ng gusto niya kahit pakikipagchat sa mga babae. Hinding hindi ko makakalimutan nung isang beses na sabihan nya ako na "huwag akong assuming".
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWI got pregnant sa 2nd child namin. Akala ko mababago na ang lahat, magiging tunay at totoong pamilya na kami pero kahit pala anong gawin mo, kahit ibigay mo na ang lahat lahat sa lalaki, pag ayaw sayo, ayaw sayo.
2021 ng magkaron sya ng ibang babae na sabi nya mahal nya. Umalis na kami ng mga anak nya sa kanila pero matapos ng isang buwan ay bumalik kami dahil nahihirapan ang mga bata mag adjust. Pero naging mas mahirap na yung sitwasyon kasi wala na talaga siyang pakialam sa akin at harap-harapan na niyang pinapakita na wala akong halaga sakanya. Doon ko na-realize na tama na ang pakikipaglaban kong magkaroon ng "buong pamilya" na hindi naman masaya.
Sa ngayon, tuluyan na kaming naghiwalay. Alam ko madaming magiging tanong ang mga bata, pero sa paglipas ng panahon mas maiintindihan nila.
- Mommy Li
We're doing ok, not expecting anything from each other.
CONTINUE READING BELOWwatch nowI'm staying with my estranged husband mainly because we have a child with special needs. He is in his puberty stage and needs proper guidance from his father.
My kids and I left our house for some breathing time during the summer. Although we stayed at another house just close to my parents, it irritated my parents hearing my autistic son's noise so I have no choice but to go back. We're doing ok, not expecting anything from each other.
- Mommy of ASD
I was physically abused and emotionally drained.
I choose to stay with my ex-partner in one house para sa anak namin. That time, 3 years old pa lang ang anak ko, pero nung pinagbubuntis ko pa lang siya, lagi nalang kaming nag-aaway ng partner ko.
Madami na ding times na nauwi sa baranggay ang away namin kasi I was physically abused and emotionally drained.
Nagtiis ako for the sake of our son. I grew up in a broken family kaya sabi ko ayaw ko maranasan ng anak ko 'yun.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNa diagnose ang anak ko with Autism Spectrum Disorder nung siya ay 2 years old. Lalong ayaw kong makipaghiwalay kasi baka lalo madelay ang development ng anak ko. Pero umabot ako sa hangganan na ayaw na ng isip at katawan ko ayusin ang lahat at parang kusa na nawalan ako ng pakialam, gusto ko lang mag-focus sa anak ko.
I remember pa, he came home from a work-related trip, nag open ng maleta and I saw a condom, wala akong reaksyon o naramdaman na galit o inis. Tuluyan na ko nakipag-hiwalay sa toxic namin na relasyon.
- Jenny
Hindi niya ko sinasaktan pero I can say na sobrang verbal abuse ang na-experience ko sa kanya.
Ayaw kong lumaking walang ama yung anak ko at nahihiya ako sa magulang ko. Wala akong mapagsabihan ng problema ko.
Almost 5 years na ganito ang treatment niya sa akin. Me and my partner are living together. I'm a working mom and he is the one staying at home to take care of our son and our small business.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi niya ko sinasaktan pero I can say na sobrang verbal abuse ang na-experience ko sa kanya. Lagi niyang sinasabi na umalis na ako at iwan ang anak ko sa kanya. Hindi raw siya natatakot na mawala ako. Sabi ko sa kanya, pag nag-college yung anak namin, saka na ako makipaghihiwalay, at least mas madali i-explain sa anak ko.
Tinanggap ko na na ganito yung kapalaran ko. Siguro siya yung parusa ko kasi hindi ko sinunod parents ko nung time na tutol sila sa relationship namin.
- Summer
I still love him pero I dont know if he still loves me.
3 years na kami married. I don’t know why mabilis siya magalit everytime na lang na mag-aaway kami, lagi niya sinasabi na maghiwalay na lang kami. Kahit sobrang petty na reason ang pag-awayan namin, lagi niya sinasabi na 'di kami magtatagal.
Nung minsang nag-away kami, sabi niya lalabas siya ng house. He went to our room to get some of his things, eh parang asar na rin ako kaya nung paalis na sya sa room namin, sadya ko talagang ibinalibag yung door. Lalo pa sya nagalit and then he began enumerating my mistakes.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLagi siyang nagpaparinig na hihiwalayan niya ako, I admit na it crossed my mind pero I would choose to stay at kakayanin ko for the sake of our baby. I still love him pero I dont know if he still loves me.
-Aish Teru
Mabait naman hubby ko... pero insensitive siya.
Noong nagkagalit kami, sabi niya maglalayas na daw siya. Pinabayaan ko, umuwi din kinabukasan, saying sorry.
Mabait naman hubby ko: sweet siya, good provider naman pero insensitive siya. Malakas ang loob na magsabi ng hiwalayan. Minsan nga iniisip ko na takot din kaya siya na maghiwalay kami o dahil lang sa compliance kaya he's staying?
Immature din ang hubby ko kaya siguro minsan super nagka-clash yung mga ugali namin. Sabi din niya sa akin, masakit din daw ako magsalita. Sabi ko naman sa kanya, bakit di niya ask self niya bakit ako ganito.
One year pa lang kaming kasal. Sabi din ng mga friends ko nasa adjustment period pa din kami kaya ganon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW- Mommy K
I caught my husband cheating twice.
I caught my husband cheating twice. Pina-stay ko pa rin sa house. Dami niya pinangako pero ni isa walang nangyari.
Lately I can feel there is something na naman even in my dreams. I don’t know if bago or same girl pa rin. So I asked him to leave the house na pero ayaw niyang umalis.
I don’t want for my child and I to go through the same pain again kasi nakikita niya at affected din siya. How can I force him to leave?
- Wifey893
Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting. Read full confessions on Parent Chat.
Mayroon ka bang sariling #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa aming Facebook group na Smart Parenting Village o kaya i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
What other parents are reading

- Shares
- Comments