;
embed embed2
  • Sino Ka Dito? 12 Uri Ng Mga Nanay Ngayong Quarantine

    May linis nang linis, may mahilig mag-DIY at may luto nang luto.
    by Ana Gonzales .
Sino Ka Dito? 12 Uri Ng Mga Nanay Ngayong Quarantine
PHOTO BY courtesy of Gabie Solis Orprecio and Rose Ann and Michael Bautista
  • Samu't-saring mga parenting styles at sari-saring mga parenting beliefs ang makikita mo sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Kaya naman hindi na bago sa amin ang iba't-ibang uri ng mga nanay.

    What other parents are reading

    Ngayong lahat tayo ay nasa bahay lang dahil sa banta ng COVID-19, nagsulputan pa ang iba't-ibang klase ng mga nanay, base naman sa kung ano ang coping mechanism nila ngayong may enhanced community quarantine.

    Narito ang ilan sa mga uri ng 'quarantine nanay' na nakita namin:

    Ang Kusinerang Nanay

    Siya 'yung quarantine nanay na sangkaterbang recipes na ang naimbento simula nang ideklara ang quarantine. Marami rin siyang alam at sinubukang kitchen at cooking hacks. Wala rin siyang palya sa pagsubok ng mga weird recipes na nakikita niya online.

    Siya 'yung nanay na kapag nagluto, laging may twist. Bongga rin ang plating niya kahit alam niyang kakamayin lang naman ng toddler niya 'yung ihinanda niya. Hindi rin siya papayag na hindi mapicturan ang mga pagkaing niluto niya para mailagay sa kanyang social media accounts.

    Natuto rin silang mag-bake ngayong quarantine at sila ang isa sa mga dahilan kung bakit mabilis maubos ang harina at baking powder sa grocery.

    What other parents are reading

    Ang Vlogger Mom

    Ito naman 'yung quarantine nanay na simula paggising nakatutok na ang mukha sa camera. Ang madalas na linyahan niya ay "Welcome back to my channel" at "Comment down below".

    Bawat galaw ng pamilya niya ay sigurado kang nasa vlog niya, kaya naman dapat, laging may t-shirt si daddy para hind X-Rated ang vlog.

    Good vibes ang madalas hatid ng mga Vlogger Moms—siya 'yung isa sa mga magpaparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa sa mga mahihirap na panahong tulad nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang Nanay Hacker

    Sila naman 'yung mga nanay na laging may ibinabahaging tips at hacks sa social media pages nila. Nakakagawa sila ng disinfectant mula sa mga balat ng prutas at kaya nilang gumawa ng masks gamit lang ang panyo at ponytail.

    Alam nila kung anong gagawin sa pagkain para hindi agad mapanis at may paraan din sila para i-recycle ang mga laruan ng mga anak nila, lalo na ngayong hindi tayo pwedeng lumabas para mag-shopping.

    What other parents are reading

    Ang MacGyver Mom

    Ang mga nanay na ito naman ang madalas katuwang ng mga daddies sa paggawa ng mga DIY projects para sa buong pamilya. Sila 'yung nakakagawa ng laruan mula sa mga lumang retaso ng tela, karton, kahoy o kung ano mang mga ekstra na gamit na mayroon sa bahay.

    Ang mga Macgyver moms din ang masipag na mag-DIY ng milestone photos ng kanilang mga anak. Maging ang mga dekorasyon para sa selebrasyon ng birthday ni baby, kaya rin nilang i-DIY!

    Sila rin ang mga nanay na nakakagawa ng playhouse, indoor pools, at kung anu-ano pa. Hindi hadlang sa mga Macgyver Moms (at dads) na nasa bahay lang sila—gagawa at gagawa sila ng paraan para makalikha ng kung anu-ano para sa kanilang mga anak.

    Ang Matipid Mom

    Hindi lahat ay may pagkakataong magtrabaho ngayong naka-quarantine tayo. Kaya naman kailangang maging wais ng mga ilaw ng tahanan pagdating sa pagtitipid sa kung anong mayroon sila.

    Ang mga Matipid Moms ang champion sa pagbubudget ng huling sahod ni mister. Sila ang gumagawa ng paraan para magkasya ang ayudang nagmula sa gobyerno, lalo na ngayong hindi nila alam kung kailan darating ang susunod.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Madalas makinig ang mga Matipid Moms sa mga Nanay Hackers para mas makahanap pa ng paraan para hindi masyadong maging magastos.

    What other parents are reading

    Ang Teaching Nanay

    Ito ang mga nanay na puspos ang tutok sa pag-aaral ng kanilang mga anak dahil sa kanilang paniniwala na edukasyon ang isa sa mga pinakamahahalagang bagay na pwede nilang ipamana sa mga bata.

    Sila iyong mga nanay na una sa balita pagdating sa announcements ng mga plano ng Department of Education. May access din sila sa mga online learning tools at websites at hindi nila pinapalampas ang mga libreng educational resources na nakikita nila sa internet.

    Pagbabasa ang isa sa mga bonding activities nila kasama ang mga anak nila. Pinagtutuunan din nila ang balanse ng laro at aral para holistic ang development ng mga bata.

    Ang Pakulo Nanay

    Sila 'yung mga nanay na laging may pauso para ma-entertain ang kanilang mga anak. May pa-sing along sila minsan o 'di naman kaya ay movie night at make-believe tindahan.

    Mahalaga sa kanila ang imagination ng mga bata at nag-eeffort din silang makipaglaro kahit marami pa silang gawaing bahay.

    Tinuturuan nila ng mabuting asal at importanteng life skills ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga pakulong naiisip nila.

    What other parents are reading

    Ang Marie Kondo Mom

    Siya 'yung nanay na noon pa lang ay gusto nang maglinis at magdeclutter, pero dahil walang time, hindi niya ito magawa. Ngayon, #Minimalist at #SparkJoy ang mga hashtags niya.

    Siya 'yung tipo ng nanay na kapag iniwan mong pakalat-kalat ang laruan mo, siguradong sa recycle bin ang ending nito. Kung may mga lumang kung anu-ano si daddy, siguradong goodbye na sa mga ito, lalo na "if they do not spark joy."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahilig silang manood ng mga decluttering videos online at nakikinig din sila kay Hacker Mom para sa mga homemade at environment-friendly disinfectants.

    What other parents are reading

    Ang Zoom Mom

    Sila 'yung mga nanay na laging may Zoom meetings. Work-from-home ang drama nila at madalas ay kasama ang mga mukha ng mga toddlers nila habang nagpepresent sila ng kanilang trabaho sa kanilang teammates.

    Ang music nila sa background ay ang mobile games ni daddy at ang iyak ni baby. Maganda ang kanilang damit pang-itaas at bongga ang kanilang mga makeup, pero naka-pajama naman sila sa baba at may mga biskwit at chichirya sa gilid nila.

    Laging may wrong spelling sa kanilang mga emails dahil madalas, may mga maliliit na kamay na nakikipindot. Champion din sila sa multitasking dahil madalas dumedede si baby habang nagtatrabaho sila.

    What other parents are reading

    Ang Zumba Mom

    Sila 'yung mga nanay na hindi nahinto ang fitness regimen kahit na naka-quarantine na. Me-time nila ang pag-eehersisyo, weights nila ang kanilang mga anak, at Zumba partner nila ang kanilang asawa.

    Sila 'yung noon pa man at fitness na talaga ang adbokasiya kaya hanggang ngayon, mahalaga pa rin sa kanila ang pagiging fit at ang pag-eehersisyo.

    Ang K-Drama Mom

    Iba ang lenggwahe ng mga K-Drama moms dahil sa kakapanood nila ng mga Koreanovelas. "Oppa" ang tawag nila sa kanilang mga asawa at sinusundan nila ang 10-step skincare ng mga Koreans para mawalan din sila ng pores.

    Marunong na silang gumawa ng mga Korean dishes tulad ng Kimchi-jjigae at nag-eeffort din silang makagawa ng homemade samgyupsal.

    What other parents are reading

    Ang Kumikitang Kabuhayan Mom

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sila 'yung mga nanay na mabilis makaisip ng negosyo. Lagi silang naghahanap ng pagkakakitaan. Kahit ikulong mo sila sa bahay, mayroon at mayroon silang mahahanap na paraan para makapagbenta.

    Mabilis silang magreply sa "HM sis?" at "Pa-mine na lang po" ang linyahan nila sa kanilang mga live videos. Sila ang supplier mo ng mga baby items at keri nilang makipagcoordinate sa mga courier services kahit quarantine.

    Ayaw nila sa mga "joy reservers" at kaya rin nilang mag-identify ng mga scammers.

    What other parents are reading

    Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pamamaraan kung paano gamitin ang mga oras natin ngayong lahat tayo ay nasa bahay lang dahil sa banta ng COVID-19. Walang sinuman sa atin ang nag-akalang aabot tayo sa ganito, kaya naman kanya-kanya tayo ng mga coping mechanisms.

    Kung iisipin ang bawat "uri ng nanay" sa listahan na ito ay isang maliit na bahagi mo. Sa umaga siguro Zoom Mom ka at sa gabi, kapag tulog na ang lahat, pwede ka nang maging K-Drama Mom para makapag-relax.

    Ang lahat ng mga nanay sa listahang ito ay salamin ng kung paano ka nag-aadjust para maalagaan ang iyong pamilya sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan natin ngayon. Ang mga "uri ng nanay" na ito ay patunay na gagawin mo ang lahat para sa ikabubuti ng mga mahal mo sa buhay.

    Ikaw? Alin ka sa mga nanay na ito? I-share mo na sa comments section.

    Para sa iba pang balita at kwento tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles